Ayon sa nilabas na memorandum ng LTFRB, pinahihintulutan na ang pagsakay ng pets sa mga PUVS. Makikita ang memo dito. Papayagan lang ang pasahero na magsakay ng pets kung:
- Ang mga pets ay naka-cage o pet carrier. Dapat na nakalagay ito sa designated area sa loob ng PUV kung mayroong ibang pasahero.
- Kung walang ibang pasahero, maaring kalungin ang mga pets basta's wala itong mabahong amoy.
- Higit sa lahat, ang safety at comfort ng pasahero at driver ay hindi naisasakripisyo.
Karamihan sa mga pet owners ay may sarili na pet carrier na dinadala sa kanilang bookings. Kung nag-add ang pasahero ng note sa app na may dala sila na pet, pwede mo ipaalala na mag dala ng pet carrier o cage.
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS
Paano ko ma-kokontak ang pasahero pag nag-note sila na may dala sila na pet?
Gamitin ang GrabChat o Call function sa app para ipaalala sa pasahero na mag dala ng pet carrier o cage para sa kanilang pet.
Walang dala na cage o pet carrier ang pasahero, ano ang gagawin ko?
Maari gumamit ng towel na pwede ipatong sa car seat at upuan ng pet. Tip: Magdala ng sariling towel para handa ka pag walang dala ang pasahero.
Hindi ako komportable magmaneho na may dala na alagang pet ang pasahero
Ang kapakanan at kaligtasan mo ang ating priority. Desisyon mo pa rin bilang driver kung nais mong tanggapin ang pasahero na may dalang pets at kung sa tingin mo ay hindi ito makakaapekto sa safety mo at ng ibang pasahero.
Pwede ko ba i-kansel ang booking pag may pet na dala ang pasahero?
Kung talagang hindi ka kampante na magpasakay ng pasahero na dala ang kanilang alagang pets, piliin lamang sa valid cancel ng iyong Driver App ang "Too many passengers or luggage".
TANDAAN: Hanggang tatlong beses lang maaring gamitin ang "Too many passengers or luggage" sa app kada-araw.
Babayaran ba ng pasahero pag nag iwan ng kalat ang kanilang alagang pet?
May pananagutan ang may-ari sa anumang pinsala na maaring maidulot ng kanilang mga alagang hayop. Ipaalam sa amin dito para ma-review ito ng Grab.
Mga Komento
0 komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.